Edited with a Vengeance
Because I'm pretty sure you can, please dont hurt me...
thanks to rica's glorious editorial skills YAY! anyways they're done they make better sense now LOL thanks rica and sorry i made your brain go squish...
these are probably the final drafts considering the past drafts done on paper and now that they've been made to mean something >.<
Layang Lipad Amihan
isang tingin, sila’y nag-alisan,
tulad ng dahon sa amihan.
lumilipad na parang uwak,
takas sa pinagsilungang tangkay
walang pagsisisi at walang awa
para sa naiwanan
sa munting braso
ng punong pinagtubuan,
dala lamang ay kalayaan.
nilisan nila ang hinagpis,
at ang inalaala lamang
ay ang mga napaglisanan.
kahit sandali lamang,
awit ng puso'y rinig ng langit
sa lakbay nitong kung saan
dalhin ng ihip ng hangin
kahit lupa pa man ang hantungan
ng dahong naglisan,
para lamang matikman—
kahit pa maging luntiang abo—
ang layang lipad amihan
aliw baliw giliw
kung saan ang ilaw ay napupundi, dumidilim. di naririnig ang sigaw sa gabi sa tulin ng marupok kong sigbi
aliw aliw, lipad sa ‘king tabi—kahit ang pagpagkurap ng sindi ng ilaw, ‘di mapipigil aking mga labi.
sa pagtalon ng paslit, walang sukatan, ang akyat-baba, nakayapak, di na makita ang pinagkaiba nitong mga liwaliw
di makapaniwala, ibinubulong ng katotohanan aliw aliw walang kabayaran ang galaw ng baliw
baliw baliw, tinatawag ng sindi sa ng nagkiskisang bato, ihip-buga sa hapdi ng pagdaan
talim talim lalim
walang kaluluwang aari sa dilim, walang nakikita sa dilim, di mahahanap ang ilaw sa dilim
bulag ang alipin, pipi ang aking hangin, bingi ang tagatanggap ng iyong paulit-ulit, paulit-ulit na galaw
yugyugin ang mundo nang maabot muli ang tuktok ng bundok, ako’y dalhin mo giliw
galaw galaw na walang hangganan, walang-katapusang aliw aliw, tingnan mo ang mga mata sa dilim
biglang may makikitang apoy, sunog sa loobang mainit, sa gitna ng kadilimang dumadagan sa dibdib.
sa katapusan,makikita ang aliw aliw sa kaibuturan ng kaluluwang nasagip sa dilim,
sa dilim, kadiliman ngayo’y tibagin sa liyab ng mata, sa pagtama ng mga tingin sa katapusan ng aliw giliw
EDIT: this post has been edited by your friendly neighborhood Kittie, most because the poems' font was too tiny.
Lots of love!
- Rica
1 Comments:
i accidentally removed something from the html coding while i was tweeking it... it was late... i was gunna fix it today but thanks LOL
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home