Get it?
aliw baliw giliw
san iling ng ilaw pundi at dilimang di naririnig ang sigaw tuling sa gabi ng marupok kong sigbi
aliw aliw lipad sa tabi na walang humpay na palakpak sindi ng ilaw di maghuhumpay sa labi.
talon ng sanggol walang sukat ng akyat-baba sa paanan, di na makita ang pinagkaiba ng liwaliw
di kunwari totoong agip ng birhen ng buhay aliw aliw walang bayaran ang galaw ng baliw
baliw baliw tawag ng sindi sa pagitan ng bato ihip-buga hapdi ng pagdaan talim talim lalim
walang kaluluwang aari sa dilim walang nakikita sa dilim, di mahahanap ang ilaw sa dilim
bulag ang alipin bulol ang aking hangin bingi ang tagatanggap ng iyong kalimitang galaw
alugin ang mundo ng maramdamang muli sa taas ng bundok ako’y dalhin mo giliw
galaw galaw sa walang-hangganan, walang-katapusang aliw aliw tingnan mo ang mga mata sa dilim
biglang may makikitang apoy sunog sa loobang mainit sa gitna ng kadilimang madiin sa dibdib.
sa katapusan, kikita ang aliw aliw sa tinginang hanggang kaluluwa na sagip sa dilim
sa dilim dilim ngayo’y tibagin sa liyab ng mata sa titingin sa katapusan ng aliw giliw
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home