Filipino Thought Train
Burat, Burat, Burat...
Bat ganon, kung kaylan mo gusto mag sulat, walang lalabas sa utak mo. Nakakainis! Pakiramdam mo ba and tanga mo. Bakit ba ang hirap maghukay sa loob ng iyong utak para sa isang munting patak ng inspirasyon. Para bang ginto na pilit mong hinahanap sa pinagmiminahan ng tanso. Wala ka rin naming makukuha sa pagupo lamang kung walang dadating sayo. Maririndi, maaasar, malulungkot ka lang. kulang nalang iuntog mo ulo mo sa pader hanging may lumabas, kahit dugo lang, basta merong lumabas. Nag kukulang ba ako sa aking karanasan para hindi makahawak ng isang pagiisip na may katuturan? Magagamit ko pa ba ang aking pinag aaralan para maitugtog ko ang lapis sa aking papel? Ano pa ba ang kaylangan kong alamin sa buhay? May pagkukulang ba ako? Sa aking pagiisip, sa aking katawan, sa aking kaluluwa? Di ko mahanap ang mga sasabihin, ngunit ang dami ko naman gusting ilabas. Ano o ano pa ang gagawin? Gusto kong sumigaw ng malakas. Kaso hindi baka igapos ako ng mga tao ditto. Ano ba tong ginagawa ko? Nag sasalita sa utak kong nagmimistulang marupok sa ligid ng mga taong nag mumukhang may pinatutunguan sa buhay. Kahit pa ang mga taong dumadaan lamang ay may ginigising tuwing umaga. At ako? Ano ginagawa ko? Eto salita lang ng salita sa ulo kong unti unting sumasakit. Nag sasangayon sa sarili kong kadumalan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home